Sunday, September 30, 2007

Panalangin

Araw-araw bago magsimula ang ating klase sa ating eskuwelahan, tayo ay nagsisimula sa panalangin. Hanggang pagkatapos ng klase, bago umwi tayo ay nagdadasal.

Ano nga ba sa atin ang panalangin?. Ito ba 'y nakakatulong sa araw-araw nating buhay?

Isa sa di ko malilimutang guro sa aming eskuelahan, sa Christ the King school of Cavite, ay si Ser Henry Dave. Pinangaralan niya talaga kami tungkol sa pagdarasal.

Isang araw kasi, bago nag simula ang klase namin ay pinatayo niya kami at inutusang magdasal. Tulad nang nakasanayan, di namin ito sinerseryoso, nagtatawanan at nagkwekwentuhan pa nga kami nun. Kaya pagkatapos ng aming panalangin ay nagsimula na siyang magsermon.

Sinabi niya sa amin na Diyos ang kausap namin at hindi simpleng tao lamang, kung ganyan kayo makipagusap sa tao, wag ninyong gawin yan sa harap ng Diyos. Atlis na magpasalamat kayo ay kwentuhan kayo ng kwentuhan. Binabastos niyo ang Diyos.

Dahil dun nagbago ang pagtingin ko sa pagdarasal, tama nga si Ser Dave, hindi simpleng tao ang Diyos, siya ang lumalang sa ating lahat kaya kailangan nating magpasalamat at maging seryoso sa pakikipagusap sa kanya. Pasalamat tayo dahil ginawa niya tayong tao at naging anak Niya at hindi ginawang hayop.

Kaya minsan pag nakikita ko ang mga batang di sinerseryoso ang pagdarasal ay lagi kong naaalala ang mga katagang sinabi sa amin ng aming guro, na Diyos ang kausap namin at hindi kung sino-sino lang...